NAGPAHIWATIG ang Department of Health sa World Health Organization para makakuha ng access sa Smallpox Vaccines laban sa MPOX.
Ayon kay DOH Assistant Secretary Albert Domingo na batay sa scientific findings, ang Smallpox Vaccines ay maaring magbigay ng cross-protection laban sa MPOX.
Gayunman, wala pang supply ng bakunang ito sa Pilipinas, dahil ang bulto nito ay kasalukuyang binibigay sa African Countries kung saan mayroong paglobo ng MPOX cases.
Idinagdag ni Domingo na mayroong cold chain at supply chain facilities ang Pilipinas na ginamit noong COVID-19 pandemic na maaring pag-imbakan ng Smallpox Vaccines.