29 December 2025
Calbayog City
National

DOH, nagbabala laban sa ‘Holiday Heart Syndrome’

INALERTO ng Department of Health (DOH) ang kanilang mga ospital na i-monitor ang mga sakit na may kinalaman sa tinatawag na holiday heart syndrome, sa harap ng pagdiriwang ng pasko at bagong taon.

Ayon sa DOH, ang holiday heart syndrome ay isang kondisyon na dulot ng sobra-sobrang pagkonsumo ng alkohol, stress, kawalan ng pahinga, at pagkain ng sobrang alat at tabang mga pagkain na nagpapataas ng blood pressure.

Maari umano itong mauwi sa arrhythmia o abnormal heart rhythm na isa sa mga sanhi ng stroke.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).