22 November 2024
Calbayog City
Local

DOH-Eastern Visayas, humiling ng synchronized report sa suicide cases sa rehiyon

HINILING ng Department of Health ang accurate monitoring ng suicide incidents sa Eastern Visayas, upang matulungan ang mga awtoridad na makabuo ng epektibong mental health programs, interventions, at resource allocation.

Sinabi ni DOH-Eastern Visayas Regional Information Officer, Jelyn Lopez-Malibago, na nagkasundo ang doh at ang Philippine National Police na magkaroon ng synchronized data sharing sa pagitan ng health facilities at police stations.

Ipinaliwanag ng opisyal na sa pamamagitan ng naturang kolaborasyon ay masisigurado ang consistent at accurate reporting ng suicide cases, magkaroon ng mas mainam na tugon ang publiko, mapagbuti ang mental health services, at mapaigting ang mga hakbang upang mapigilan ang pagpapatiwakal sa rehiyon.

Hinikayat ng DOH ang lahat ng City Health Offices, Rural Health Units, at lahat ng government at private hospitals sa Eastern Visayas na makipag-coordinate sa kani-kanilang police stations upang matiyak na tugma ang kanilang datos sa suicide incidents. 

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).