12 October 2025
Calbayog City
Entertainment

DJ Koo, halos araw-araw na bumibisita sa libingan ng misis na si Barbie Hsu

HALOS araw-araw na binibisita ni DJ Koo ang libingan ng kanyang misis na si Barbie Hsu.

Naging laman ng balita ang Korean musician na kilala rin bilang Koo Jun-Yup, matapos kumalat sa social media ang litrato nito na nakaupo sa isang camping chair sa harap ng puntod ng misis, sa Jin Bao Shan Cemetery sa Taiwan.

Ayon sa mga bystander, madalas nilang makita si Koo na dumadalaw sa namayapang asawa sa nakalipas na limang buwan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).