MAGSISILBING host ng 7th Regional Youth Day (RYD) ang Diocese of Calbayog, na inaasahang dadaluhan ng kabuuang 1,500 delegates mula sa iba’t ibang panig ng Central at Eastern Visayas Region.
Magtitipon-tipon ang young leaders, ministers, at pilgrims upang ipagdiwang ang faith, courage, and fellowship, sa ilalim ng temang “Take Courage! I Have Overcome the World” (John 16:33).
Ipinangako ni Mayor Raymund “Monmon” Uy ang kanyang buong suporta para sa naturang event, at pinagtibay ang commitment ng city government para sa youth empowerment, safety, and community solidarity.
Kamakailan ay pormal na iprinisinta nina Rev. Fr. Niño Vince Bernales at Rev. Fr. Jonathan Alamin ang plano para sa RYD 2026 kay Mayor Mon, kung saan binigyang diin ang partnership sa pagitan ng Diocese of Calbayog at ng lokal na pamahalaan.
Ang Commission on Youth of the Diocese of Calbayog ang nangunguna sa preparasyon para sa apat na araw na selebrasyon sa April 12 to 19, 2026.




