MAARI nang i-avail ng taxpayers ang kanilang Digital Tax Identification Number (TIN), ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui na ang mga Pilipino na mayroong existing Tax Identification Number ay maaring mag-apply para sa Digital TIN ID sa pamamagitan ng Online Registration and Update System (ORUS) ng Bureau.
Aniya, sa pamamagitan nito ay maaalis na ang pananamantala ng mga fixer at scammer na nagbebenta ng TIN online habang mabibigyan ang mga taxpayer ng mas maginhawang alternatibo sa pagkuha ng TIN, sa halip na pumila sa Revenue District Offices.
Kailangan munang i-update ng users ang kanilang email address sa pamamagitan ng pagsusumite ng registrtaion update sheet via email sa Revenue District Office kung saan sila naka-rehistro o sa pamamagitan ng e-services ng BIR na Taxpayer Registration Related Application Portal.