21 November 2024
Calbayog City
Local

DICT, naglagay ng libreng Wi-Fi sa mahigit isanlibong lugar sa Eastern Visayas

NAG set-up ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng 1,048 free Wi-Fi Access Points sa mga pampublikong lugar sa Eastern Visayas, kung saan prayoridad ang remote areas.

Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas, kahapon, sinabi ni Dante Rosales, Chief ng DICT 8 Technical Operations Division, na ang naturang bilang ay apat na beses na mas marami kumpara sa kanilang na-install noong 2023.

Ang expansion ng public internet access program ay lumawak pa ngayong taon dahil sa 120 million pesos na funding support mula sa House of Representatives.

Inihayag ni Rosales na ang nasabing pondo ay bukod pa sa alokasyon mula sa DICT Central Office.

Mula sa 1,048 sites na saklaw ng Free Wi-Fi Project, 245 ay sa Leyte; 42 sa Southern Leyte; 123 sa Eastern Samar; 72 sa Biliran; 110 sa Samar; at 456 sa Northern Samar.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).