27 December 2025
Calbayog City
National

Hindi pagbibigay ng atensyong medikal kay Dating Pangulong Duterte, itinanggi ng Malakanyang

ITINANGGI ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro ang pahayag na hindi binigyan ng kinakailangang medical attention si Dating Pangulong Rodrigo Duterte, kasunod ng pag-aresto sa kanya bunsod ng kasong Crimes Against Humanity.

Binigyang diin ni Castro na trinato si Duterte bilang Dating Chief Executive at isang Filipino citizen.

Sinabi ng Palace official na hindi basta-basta ang naging pagturing kay Duterte nang panahong nasa kustodiya ito ng mga awtoridad at walang katotohanan na hindi ito pinagkalooban ng atensyong medikal.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.