IBINAHAGI ng Department of Agriculture (DA) ang plano, kasama ang Japan International Cooperation Agency (JICA), para palakasin ang rice production output at mabawasan ang production losses sa bansa.
Ito’y matapos talakayin ng DA ang 200-million hanggang 500-million dollar post-harvest project loan para sa bigas, kasunod ng pag-aaral na ginawa ng Sanyu Consultants, Inc.
Sinabi ni Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, na masusuportahan ng naturang proyekto ang National Food Authority, pati na ang Rice Cooperatives at Farmers Association sa buong bansa.
Ayon sa Philippine Center for Post-Harvest Development and Mechanization (PHILMECH), nakapagtala ang bansa ng 15 to 17 percent na losses mula sa rice production hanggang sa post-harvest. Saklaw ng proyekto ang storage, warehouses, rice mills, rice dryers, at silos.