PANGUNGUNAHAN ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro ang Philippine Delegation sa United Nations General Assembly (UNGA).
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), gaganapin ang Event sa New York, sa Amerika, simula sa Sept. 21 hanggang 27.
ALSO READ:
Sa Statement, sinabi ng DFA na bibigyang diin ni Lazaro ang papel ng Pilipinas sa pagtugon sa mga komplikadong hamon.
Gayundin ang panawagan ng bansa para sa mas malakas UN, na nagsusulong ng kapayapaan, seguridad, Climate Action, Migrant Protection, at Sustainable Development.
Una nang inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) noong Lunes na hindi makadadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa unga dahil kailangan nitong tutukan ang mga problema ng bansa.




