Itinuturing ng Department of Education (DepEd) na malaking bahagi sa pagsusulong ng agenda sa edukasyon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalabas ng Revenue Regulations No. 13-2025.
Sa regulasyon na inilabas ng Bureau of Internal Revenue (BIR) pinagsama at pinadali ang mga pamamaraan sa pagkuha ng tax incentives sa ilalim ng tatlong pangunahing batas: ang “Adopt-a-School Act,” “Enterprise-Based Education and Training (EBET) Framework Act,” at ang National Internal Revenue Code of 1997 (Tax Code).
Ayon kay DepEd Sec. Sonny Angara, dahil sa mas madaling proseso para sa mga private partners, pinapadali din para sa mga mag-aaral ang pagkakataong umunlad lalo na ang mga naninirahan sa malalayong lugar.
Sa ilalim ng RR 13-2025, mas maraming tax incentives ang ibibigay para sa mga lalahok sa “Adopt-a-School” program.
Kabilang dito ang mga kumpanya, organisasyon o indibidwal na nagbibigay ng donasyon gaya ng cash assistance, consumable goods, personal property, services, o real estate. Sa ilalim ng bagong regulasyon, inaasahan ng DepEd na mas maraming korporasyon at philanthropists ang makikiisa sa Adopt-a-School Program.