Tumaas ang bilang ng mga pasyenteng naserbisyuhan ng OFW Hospital sa San Fernando, Pampanga sa unang quarter ng taon.
Sa First Quarter 2025 Performance Report na inilabas ng Department of Migrant Workers (DMW), hanggang noong March 31, 2025 tumaas ng 92 percent ang naserbisyuhan ng OFW Hospital mula sa 109 na pasyente noong 1st Quarter ng 2024 patungo sa 209 na pasyente sa unang quarter ngayong taon.
Tumaas naman ng 19 percent ang naserbisyuhan sa outpatient department ng ospital na umabot sa 12,097 mula sa 10,143 noong nakaraang taon.
Kabilang sa mga nagpapagamot sa ospital ay mga OFW at kanilang dependents. The surge in patients indicates growing trust in the hospital’s capacity to provide specialized care for OFWs and continuing capacity build-up, aligning with the Department of Migrant Workers’ mandate to ensure comprehensive welfare services for migrant workers and their dependents.
Ang ospital ay mayroong 24/7 emergency room, telemedicine, minor at major operations, Ob-Gyne, Radiology, laboratory, respiratory, at heart station. Target ng OFW Hospotal na makuha ang DOH-LTO Level 2 license para mas mapagbuti pa ang serbisyo nito.