Target ng Department of Health (DOH) na mabakunahan ang 31,000 na residente ng Calbayog City laban sa iba’t ibang uri ng mga sakit.
Kasunod ito ng pormal na paglulunsad ng World Immunization Week sa Brgy. San Joaquin, Calbayog City.
Ang global healthcare event na ito ay isinasagawa tuwing huling linggo ng buwan ng Abril kada taon na layong isulong ang pagbabakuna bilang panlaban sa sakit.
Katuwang ang City Health Office ng Calbayog, layon ng DOH na mabakunahan ang aabot sa 31,000 na residente ng lungsod laban sa mga vaccine-preventable illnesses sa pamamagitan ng pagsasagawa ng house-to-house visits.
Kabilang sa maaaring tumanggap ng bakuna ang mga sumusunod:
Ang mga sanggol na edad 0 to 12 months ay maaaring bakunahan laban sa tuberculosis, polio, pneumonia, measles, mumps, rubella, at pentavalent vaccine
Ang mga senior citizens ay maaaring bakunahan laban sa flu at pneumonia.
Ang mga batang babae nae dad 9 hanggang 14 years ay maaaring tumanggap ng HPV vaccine. Habang ang mga buntis naman ay bibigyan ng Tetanus-diphtheria (Td) vaccine.