NASA isa punto limang milyong units ng laptops, mga libro, at iba pang kagamitan ang nakatengga sa loob ng apat na taon sa isang warehouse ng logistics provider ng Department of Education.
Isiniwalat ito ni DepEd Secretary Sonny Angara sa hearing ng house appropriations committee para sa proposed budget ng ahensya para sa 2025.
Sinabi ni Angara na nagulat siya nang malaman na simula pa noong 2020 ay nakatambak na sa warehouse ang kagamitan.
Aniya, kinontak nila ang air force at iba pa na maaring makatulong upang mailabas ang mga gamit upang hindi mag-deteriorate ang mga materyales.
Pinuna naman ng mga kongresista ang mabagal na paggamit ng pondo ng DepEd, gaya ng 11 Billion Pesos na inilaan para sa computerization noong 2023, subalit 2 Billion Pesos lamang ng alokasyon ang nagamit.