22 April 2025
Calbayog City
National

Mahigit 200 Chinese Ships, na-monitor ng AFP sa West Philippine Sea

KABUUANG dalawandaan at tatlong Chinese Vessels ang namataan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa West Philippine Sea sa nakalipas na linggo, na pinakamarami ngayong taon.

Simula Aug. 27 hanggang Sept. 2, 165 Chinese Maritime Militia (CMM) Vessels; dalawampu’t apat na China Coast Guard (CCG) Vessels; labindalawang People’s Liberation Army Navy (PLAN) Ships; at dalawang Research Vessels ang naispatan sa lugar.

Nakakalat ang mga ito sa Bajo De Masinloc, Ayungin Shoal, Pag-asa Islands, Kota Island, Rizal Reef, Escoda Shoal, at Iroquois Reef. Karamihan sa naturang Chinese Vessels ay na-monitor sa Escoda Shoal, kung saan naiulat ang pangha-harass ng China, kamakailan.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.