KASAMA ni Pope Francis ang Filipino Cardinal na si Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect of the Dicastery for Evangelization, sa isang makasaysayang pagbisita sa apat na bansa.
Nagsimula ang 4-Nation Tour sa Indonesia, na most populous muslim-majority country sa buong mundo.
Orihinal na itinakda ang pagbisita noon pang 2020 subalit ipinagpaliban ito dahil sa COVID-19 Pandemic.
Sinabi ni Cardinal Tagle na ang pagbiyaheng ito ng Santo Papa ay pagpapakita rin ng kababaang loob sa harap ng panginoon at pagtupad sa kanyang misyon.
Kasama rin sa bibisitahin sa labindalawang araw na biyahe ang Papua New Guinea, East Timor, at Singapore.
Idinagdag ni Tagle na plano rin ni Pope Francis na bisitahin ang Luxembourg at Belgium.