MAGSASAGAWA ang Department of Education (DEPED) ng tatlong linggong non-mandatory learning camp sa Hulyo bilang karagdagan sa mga aralin ng mga estudyante sa ipinatutupad ngayong asynchronous classes.
Ipinaliwanag ni DEPED Spokesperson, Assistant Secretary Francis Bringas, na ang learning camp ay para mabawi ang posibleng learning losses bunsod ng pagsususpinde ng in-person classss noong marso at ngayong abril dahil sa napakainit na panahon.
Binigyang diin ni bringas ang pagkakaiba ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa asynchronous classes at face-to-face classes, na naobserbahan sa dalawang taon ng pandemya.
Inamin ng DEPED official na bagaman may natututunan ang bata sa asynchronous classes ay hindi ito sapat kumpara kapag nasa loob ng silid-aralan ang mga estudyante.