NILINAW ng Department of Education na wala itong polisiya kaugnay sa pagpapatupad ng mass promotion sa mga mag-aaral patungo sa kasunod na grade level kahit kapos pa ang kanilang kakayahan o kaalaman.
Sa isang panayam sinabi ni DepEd Undersecretary for Learning Systems Strand Carmela Oracion, walang automatic promotion na ipinatutupad ang kagawaran.
2 impeachment complaints laban kay VP Sara, idineklarang sufficient in grounds
P3.5 billion, inilaan para tulungan ang mga OFW na apektado ng gulo sa Gitnang Silangan
Excise tax sa oil products, hindi pa malinaw sa Palasyo kung sususpindihin o babawasan
Dagdag-pasahe, ipinag-utos ni PBBM na suspindihin
Ang paglilinaw ay kasunod ng panawagang ihinto ang pag-promote sa mga bata sa susunod na grade level.
Ayon kay House Basic Education Committee Chairperson Rep. Roman Romulo batay sa Second Congressional Commission on Education o EDCOM 2, naging “systematic culture” na sa education system ng bansa ang mass promotion kaya naman ang mga estudyante nakararating sa susunod na grade level kahit hindi sila handa.
Sinabi ni Oracion, pinabubuti na ng DepEd ang mainstream education sa bansa dahil ito ang nakikita nilang rason kung bakit hindi handa ang mga kabataan sa susunod na baiting.
Naglaan din aniya ang DepEd ng dagdag na pondo para sa pagbili ng storybooks para sa mga estudyante na nasa Grades 1 hanggang 3 upang mahikayat silang magbasa.
