IPINAG-utos ng Department of Education – National Capital Region (DepEd-NCR) ang pagsuspende ng Face-to-Face (F2F) Classes sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa Metro Manila ngayong Lunes, Oct. 13 hanggang bukas, Oct. 14.
Sa Advisory, tinukoy ng DepEd-NCR ang tumataas na bilang ng Influenza-like Illnesses sa mga estudyante at personnel, pati na ang sunod-sunod na lindol na tumama sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Layunin ng F2F Suspension na bigyang prayoridad ang kalusugan, kaligtasan, at Structural Security ng mga paaralan habang nagpapatuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng Alternative Delivery Modalities, gaya ng Online o Modular Instruction.
Inatasan naman ang mga paaralan na gamitin ang dalawang araw na Class Suspension para maglinis at mag-disinfect ng mga Classroom at Common Areas, magsagawa ng Structural at Safety Inspections, at maghanda para sa Earthquake Drills at iba pang Emergency Protocols.