Dalawanlibopitundaan pitumpu’t walong non-teaching personnel ang kinuha ng gobyerno bilang bahagi ng hakbang na alisin ang karagdagang paperworks mula sa mga pampublikong guro, ayon sa Department of Education (DepEd) regional office sa Eastern Visayas.
Sa “Kapihan sa Bagong Pilipinas” press briefing, sinabi ni DepEd Eastern Visayas Regional Director Evelyn Fetalvero, na ang pag-hire ng Administrative Officers ay bahagi ng direktiba ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palayain ang mga guro sa administrative tasks.
Pasok sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, sinuspinde kasunod ng Magnitude 6 na lindol
DPWH, magpapatupad ng 15-Ton Load Limit sa Calbiga Bridge sa Samar
85 child laborers sa Northern Samar, tumanggap ng tulong sa ilalim ng Project Angel Tree ng DOLE
Eastern Visayas, nagpadala ng inuming tubig sa Cebu
Idinagdag ni Fetalvero na ang pagkuha ng karagdagang administrative personnel ay magbibigay daan upang ma-maximize ng mga guro ang kanilang oras sa aktuwal na pagtuturo sa silid-aralan.
Ngayong academic year, mayroong 4,179 public elementary at secondary teachers sa region 8.