TINIYAK ng Department of Education (DepED) na iimbestigahan ang Public School Teacher na umano’y napasobra ng parusa sa kanyang mga estudyante sa Burauen, Leyte.
Sinabi ng DepED Leyte Division Office na agad nilang ipinatawag ang guro, gayundin ang pinuno ng paaralan makaraang mag-viral sa social media ang naturang insidente.
Noong martes ay kumalat ang video kung saan pina-squat ng lalaking teacher ang kanyang mga estudyante sa loob ng classroom habang may hawak itong walis na tila pinampapalo sa mga mag-aaral.
Ang corporal o physical punishment, gaya ng pamamalo, ay ipinagbabawal sa ilalim ng DepED Child Protection Policy na inilabas noong 2012.