NAGPATAWAG ng pulong si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa City Health Officials at City Disaster Risk Reduction and Management Office para tumanggap ng update hinggil sa sitwasyon ng dengue sa lungsod.
Iprinisinta ng City Health Office ang kanilang assessment, kung saan binigyang diin ang kahalagahan ng pagpapaigting sa “Search and Destroy” Operations sa bawat barangay, lalo na sa mga mayroong napaulat na mga nagkakasakit.
NGCP, may pahinumdom hiunong hin pagpapalupad hin saranggola
Regional Level Top 7 Most Wanted Person, arestado ng Calbayog CPS
Militar sa Eastern Visayas, nanawagan sa mga rebelde na magnilay-nilay ngayong Semana Santa
“Pintahang Pagkakaisa,” pinangunahan ng kabataang artists sa Tacloban City para isulong ang nasyonalismo
Layunin ng hakbang na ito na matanggal ang mga pinag-iitlugan ng mga lamok na may dalang dengue at maiwasan ang paglaganap pa ng virus.
Samantala, inilatag naman ng CDRRMO ang kanilang priority response, na nakatutok sa misting at fogging sa mga barangay na marami ang nagkakasakit na pinaghihinalaang tinamaan ng dengue, upang mapuksa ang mga lamok sa mga lugar na pinaka-apektado ng outbreak.
Inatasan ni Mayor Mon ang lahat ng departamento na mag-focus sa kanilang response at intervention measures upang epektibong matugunan ang dengue outbreak sa Calbayog City.
