MAHIGIT triple ang inilaki ng Debt Service Bill ng National Government noong Setyembre.
Ayon sa Bureau of Treasury, bunsod ito ng tumaas na Amortization at Interest Payments ng Gobyerno.
ALSO READ:
Sa Latest Data mula sa Treasury, lumobo ng 250% o sa 327.89 billion pesos ang Debt service Bill noong Setyembre mula sa 93.61 billion pesos na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Mas mataas din ito ng 50.67% kumpara sa 664.72 billion pesos noong Agosto.
Sa tala ng Treasury noong Setyembre, 246.19 billion pesos ang ibinayad sa Amortization habang 81.7 billion pesos ang napunta sa Interest.

					
					
					
					
					
					
					
					
					
					
					
									


