7 July 2025
Calbayog City
National

Deadline sa pag-i-isyu ng Import Permits para sa pag-a-angkat ng isda at iba pang seafood, pinalawig ng DA

PINALAWIG ng Department of Agriculture (DA) ang deadline sa pag-iisyu ng Import Permits para sa pag-aangkat ng isda at seafoods hanggang sa katapusan ng Hunyo.

Ito ay para mabigyang pagkakataon ang mga importer na makapag-adjust sa bagong guidelines na layong maibsan ang food inflation.

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang DA na ayusin ang polisiya sa fish importation para maktulong sa pagbuti ng suplay at presyo nito sa merkado.

Una nang inaprubahan ng DA ang importation ng hanggang 25,000 metric tons ng isda at seafood para sa food service, tourism at hospitality industries.

Gayunman, wala pa sa ¼ ng nasabing volume ang naipasok sa sa bansa ayon sa DA.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. na maaaring naging hamon sa mga importer ang requirements lalo at biglang dumami ang volume allocations para sa isda at seafood na maaari nilang iangkat.

Ang mga importer na accredited sa ilalim ng FAO 195 at ang mga nakarehistro sa ilalim ng FAO 259 ay sakop ng fish import allocations.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).