NAGPAPATULOY ang komunikasyon ng Pilipinas sa concerned officials ng Amerika hinggil sa tariff rates at policies.
Sagot ito ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, sa tanong kung tumugon na ang Pilipinas sa panawagan ng US sa kanilang trading partners na ibigay ang kanilang “best offers” kaugnay ng trade negotiations.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sinabi ni Castro na ayon sa Department of Trade and Industry at Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa US Trade Representative.
Gayunman, idinagdag ng palace official na hindi pa sila maaring magbigay ng iba pang detalye bunsod ng confidentiality agreement.
