PINATAWAN ng Guilty ng Sandiganbayan si Dating Quezon City Mayor Herbert Bautista at kanyang aide na si dating City Administrator Aldrin Cuña sa kasong graft.
Kaugnay ito sa procurement ng isang Online Occupational Permitting Tracking System (OOPTS) noong 2019.
Sa tatlumpu’t dalawang pahinang desisyon, sinentensyahan ng anti-graft court sina Bautista at Cuña ng anim na taon hanggang sampung taong pagkakakulong.
Disqualified na rin sila na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno bilang resulta ng kanilang graft conviction.
Gayunman, hindi inatasan ng sandiganbayan sina Bautista at Cuña na magbayad ng multa dahil ang involve na public funds na nagkakahalaga ng 32 Million Pesos, ay natanggap na ng pribadong kumpanya na hindi naman dawit sa kaso.