WALANG ebidensya ang prosekusyon na direktang magdadawit kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sinasabing pagpaslang na naganap noong ipinatutupad ang kaniyang war on drugs.
Ito ang nilalaman ng pahayag ni Atty. Nicolas Kaufman sa paglalahad niya ng merits sa ikatlong araw ng confirmation hearing ng Pre-Trial Chamber ng ICC.
Grupong BAYAN inihahanda na ang panibagong malawakang protesta- Panukalang bumalik ang bansa sa Rome Statute hindi pa natatalakay ng Palasyo
VP Sara, bilib sa mga dating sundalong nagbunyag ng sabwatan ng ilang mambabatas at ICC investigators
DFA, nagbabala sa paglalagay ng unauthorized stamps sa pasaporte
Ayon kay Kaufman, wala namang ipinakitang matibay na ebidensya ang prosekusyon na magpapatunay na may direktang partispasyon ang pangulo sa apatnapu’t siyam na killing incidents.
Ani Kaufman, pawang press statements, hearsay at ang political hyperbole lamang ni dating Pangulong Duterte ang pinagbasehan ng prosekusyon.
Nagpakita rin ng datos si Kaufman sa Pre-Trial Chamber kung saan sinabi nito na sa kasagsagan ng war on drugs, malaking bilang ng mga drug personalities ang naaresto sa anti-drug operations habang maliit na bilang naman ang nasawi.
Nagtataka rin ang defense team kung bakit tumagal ng ilang taon bago nagbukas ng imbestigasyon ang ICC prosecution, gayong ayon sa kanilang pahayag, ay mayor pa lamang ng Davao City si Duterte ay nagkaroon na ng mga insidente ng pamamaslang.
