NASA Pilipinas ang dating NBA Player na si Rip Hamilton para sa NBA 3x Philippines Invitational na ginanap nitong weekend sa SM Mall of Asia, na bahagi ng NBA Philippines’ Republika ng nba month.
Noong sabado ay dumalo si Hamilton sa exhibition game kasama ang ilang piling miyembro ng media.
Si Hamilton ay naglaro sa NBA simula 1999 hanggang 2013, at malaking bahagi ng kanyang career ay ginugol niya sa Detroit Pistons simula 2002 hanggang 2011.