PUNO ng emosyon si Christopher De Leon nang bisitahin nito ang burol ng kanyang Ex-Wife na si Nora Aunor, at muling nakasama ang kanilang mga anak.
Sa video na ibinahagi ni Metro Manila Film Festival Spokesperson at Publicist na si Noel Ferrer, niyakap ni Christopher o Boyet ang kanyang mga anak na sina Ian at Lotlot nang dumalaw siya sa Heritage Park sa Taguig.
ALSO READ:
British singer na si Olivia Dean, wagi ng Best New Artist sa Grammys 2026
Vic Sotto at Pauleen Luna, nag-renew ng vows sa kanilang 10th wedding anniversary
Lian Paz, nilinaw na hindi sila co-parenting ng dating mister na si Paolo Contis
Actress-vlogger na si Bea Borres, nanganak na noong nakaraang taon
Makikita rin sa video ang veteran actor, kasama ang anak na si Ian habang nakatingin sa labi ng dating asawa.
Sina Nora at Boyet ay ikinasal sa pamamagitan ng Civil Ceremony noong January 19, 1975, kung saan biniyayaan sila ng isang anak, na si Ian.
Nag-adopt pa sila ng apat pang anak, na kinabibilangan nina Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth.
