21 May 2025
Calbayog City
Sports

Creamline, na-sweep ang Al Naser ng Jordan sa pagbubukas ng AVC Women’s Champions League

PINAYUKO ng Creamline ang Al Naser ng Jordan sa score na 29-27, 25-20, 25-19 sa pagbubukas ng 2025 AVC Women’s Champions League, sa Philsports Arena.

Sa pagsisimula ng unang set ay lamang ng lima ang Jordan hanggang sa mai-tabla ito ng Creamline sa 23 sa pangunguna ni Alyssa Valdez.

Nagpalitan ng puntos ang dalawang koponan bago tinapos nina Jema Galanza at Pangs Panaga ang first set.

Si Panaga rin ang naglagay ng punctuation sa second set hanggang sa hindi na payagan pa ng Cool Smashers na makakuha ng isang set ang Al Naser.

Dahil dito, may 1-0 na ang Cool Smashers sa Pool A, sa pagsisimula ng kampanya ng Pilipinas sa Inaugural Tournament habang 0-1 ang Al Naser.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).