MAGWI-withdraw si Dating Executive Secretary Salvador Medialdea bilang counsel ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kaso nito sa International Criminal Court, sa sandaling maisapinal na ang legal team ng dating lider.
Kinumpirma ito ni Vice President Sara Duterte na kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands, kasabay ng pagsasabing limitado lamang ang slots para sa mga abogado.
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Idinagdag din ng bise presidente na nais nila na lahat ng lawyers on board ay mayroong ICC experience.
Ayon kay VP Sara, may mga kinakausap pa siyang mga abogado, at may paparating na isa para kanyang interbyuhin.
Si Medialdea ay itinalaga ng dating pangulo bilang isa sa kanyang counsels para sa ICC proceedings, at nagsilbing kinatawan niya sa tribunal sa kanyang first appearance noong Biyernes.
