PINAIIMBESTIGAHAN ni Dating Executive Secretary Lucas Bersamin ang tinaguriang “Cabral Files” kung saan nabanggit ang isang nagngangalang “ES” na isa umano sa mga miyembro ng Gabinete na proponent ng mga proyekto sa DPWH.
Hindi ikinatuwa ni Bersamin ang paggamit ng bansag na “ES” sa nasabing dokumento.
ALSO READ:
Nilinaw ni Bersamin na hindi siya kailanman nag-request, nag-endorso, nag-apruba o nag-otorisa ng anumang DPWH project o Budget allocation.
Wala din umano siyang initusan na sinoman para gamitin ang kaniyang pangalan sa ganitong kalakaran.
Dapat ayon kay Bersamin na gawing prayoridad ng mga investigative body ang pagbusisi sa “Cabral Files” dahil tinutumbok nito ang integridad ng pondo ng bayan.




