PUWEDE nang sipain anumang oras palabas ng Estados Unidos si Dating Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan.
Ayon kay Ombudsman Crispin “Boying” Remulla, ‘overstaying’ na kasi sa Estados Unidos si Dating DPWH Secretary Manny Bonoan na umalis ng Pilipinas patungong Estados Unidos via Taiwan noong November 2025.
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
PNP-CIDG, may panawagan sa puganteng si Charlie “Atong” Ang
Kung tutuusin ayon kay Ombudsman Remulla, puwede nang ipa-deport si Bonoan.
Kung nag-apply aniya si Bonoan ng extension ng kaniyang pananatili sa US pero hindi naman na-grant ay maipapa-deport pa din siya.
Payo ni Remulla sa dating DPWH secretary, umuwi na lamang sa Pilipinas.
Si Bonoan ay kasama sa Immigration Lookout Bulletin Order na inilabas ng Department of Justice bilang isa sa mga personalidad na itinuturong sangkot sa flood control scandal.
