PINANGALANAN si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan sa Privilege Speech ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson kaugany sa FLood Control Projects.
Ayon sa senador, may “family business” si Bonoan kay Candaba, Pampanga Mayor Rene Maglanque na aniya ay nagsilbi ring contractor sa multi-billion na halaga ng Flood Control Projects.
Financial Transactions ng Flood Control Contractors, iniimbestigahan na ng AMLC
Senators Jinggoy Estrada at Joel Villanueva, idinawit sa maanomalyang Flood Control Projects
PBBM, nakabalik na sa bansa mula sa State Visit sa Cambodia bitbit ang limang nilagdaang Kasunduan
Mag-asawang Discaya, pinangalanan ang mga kongresista at iba pang mga opisyal na nakinabang sa umano’y maanomalyang Flood Control Projects.
Isiniwalat ni Lacson na dating president ng construction company na Globalcrete Builder si Maglanque at nakakuha ito ng P2.195-billion na halaga ng Flood Control Projects mula taong 2018 hanggang taong 2024 sa lalawigan pa lamang ng Bulacan.
Dagdag pa ni Lacson, si Maglanque rin ang nagmamay-ari ng MBB Global Properties Corporation at nasa ilalim nito ang Wyndham Garden Hotel sa Clark, Pampanga na nasa P1 billion ang halaga.
At base sa 2024 General Information Sheet ng kumpanya, nagsisilbing executives ng MBB Global Properties Corporation sina:
Macy Monique Maglanque – President
Sunshine M. Bernardo – Corporate Secretary
Fatima Gay Bonoan-Dela Cruz – Treasurer
Ang mga nabanggit na indibidwal ayon kay Lacson ay mga anak nina Rene Maglanque, DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, at Manuel Bonoan at ang MBB nangangahulugang Maglanque, Bernardo at Bonoan.