Pumalo sa “Dangerous” na 47 degrees celsius ang heat index sa Bacnotan, La Union, kahapon.
Ayon sa Pagasa, ang naramdamang init ay nasa ilalim ng danger category ng heat indexes, na nasa 42 hanggang 51 degrees celsius.
Naitala rin sa naturang munisipalidad ang 42 degrees celsius noong Lunes.
Sa ilalim ng naturang kategorya, posible ang heat cramps at heat exhaustion, kaya pinapayuhan ang mga residente na iwasang magbilad sa araw.