DALAWANG lalaking Vietnamese ang inaresto matapos umanong pagbantaan ang isang bar customer sa pamamagitan ng baril sa Pasay City.
Ayon sa mga awtoridad, iniimbestigahan pa ang dalawang dayuhan na wala pang isang taon sa Pilipinas, at hinihinalang mga empleyado ng POGO.
ALSO READ:
Higit 3,000 kilograms ng recyclable nakulekta ng MMDA sa iba’t ibang barangay sa Metro
Public school teachers sa Maynila matatanggap na ang kanilang allowance
Deputy representative minister ng TECO sinubukang sumakay ng MRT-3
Tulong sa mga empleyado ng nasunog na Landers Supermarket, siniguro ng Quezon City LGU
Hindi nakapagbigay ng statement ang dalawang Vietnamese dahil hindi umano sila makaintindi ng ingles o tagalog.
Sa report ng Southern Police District, dinakip ang dalawang dayuhan sa isang bar sa kahabaan ng Roxas Boulevard makaraang makatanggap ng reklamo mula sa biktima na isa ring Vietnamese.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang Colt Combat Commander .45 Caliber Pistol na may mga bala, at 1.5 grams ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit sampunlibong piso.
