9 February 2025
Calbayog City
Province

Kadete sa isang maritime academy sa Laguna, patay matapos mag-collapse habang nag-e-exercise

ISANG kadete sa maritime academy sa Calamba City, sa Laguna ang nasawi makaraang atasan ito ng senior officer na mag-exercise bilang parusa sa nagawa nitong violation.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng PNP Police Regional Office 4A, inutusan ng senior officer ang biktima na mag-report sa kanyang cabin kasunod ng nagawa nitong paglabag.

Pinarusahan ang kadete ng physical activity subalit kinapos ito ng hininga hanggang sa mawalan ng malay.

Isinugod ang biktima sa infirmary subalit inilipat sa Global Medical Center of Laguna bunsod ng mahinang pulso.

Gayunman, hindi na umabot ng buhay ang kadete sa ospital.

Ayon naman sa Calamba Police, busog ang biktima at katatapos lamang maghapunan nang mangyari ang insidente.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).