ISINIWALAT ng Bureau of Immigration (BI) na isa sa anim na koreano na naaresto dahil sa umano’y pag-ooperate ng illegal offshore gaming platform at scam hub sa hotel basement sa Pasay City, ay blacklisted alien.
Ayon kay BI Fugitive Search Unit Chief Rendel Ryan Sy, 2023 pa ang blacklist order ng naturang dayuhan.
Idinagdag ni Sy na matagal ng nananatili sa Pilipinas ang Korean national nang walang VISA at noon pa dapat na-deport.
Samantala, isa pang nasakoteng koreano ang nagprisinta ng valid 9G o pre-arranged VISA.
Gayunman, nang beripikahin, ang 9G VISA ay inisyu para sa ibang kumpanya.