27 March 2025
Calbayog City
Province

Kaso ng typhoid fever sa Cordillera, tumaas

TUMATAAS ang kaso ng typhoid fever sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa datos ng Department of Health (DOH) – CAR, nakapagtala ng 285 na kaso ng typhoid fever mula Jan. 1 hanggang Feb. 15, 2025.

Ayon sa DOH-CAR, ang typhoid fever ay isang life-threatening infectious disease na dulot ng salmonella typhi bacteria.

Kabilang sa sintomas ng typhoid fever ang patuloy na paglalagnat, pananakit ng ulo, panghihina, loss of appetite, diarrhea o constipation at abdominal discomfort.

Maaaring makuha ang sakit sa pamamagitan ng person-to-person contact, langaw na nagdadala ng bacteria sa pagkain, pagkain ng raw o undercooked na pagkain, at kontaminado na pagkain o tubig.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).