18 January 2026
Calbayog City
National

DA, muling pinagana ang Inter-Agency Livestock Data Analytic Group para mabantayan ang presyo at supply ng karne

MULING binuhay ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. Ang Inter-Agency Livestock Data Analytics Group (LDAG) para mas maisaayos ang kakayahan ng kagawaran sa pagbabantay sa meat at poultry sectors.

Nilagdaan ng kalihim ang Special Order 599 upang muling paganahin ang LDAG para matiyak na stable ang presyo at suplay ng karne sa mga pamilihan kasabay ng pagbibigay proteksyon sa mga producer at consumer.

Itinalaga si DA Undersecretary for Livestock Dante Palabrica bilang chairman ng LDAG na ang pangunahing gagampanan ay ayusin ang collection, analysis, at reporting ng key livestock at poultry data.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).