7 July 2025
Calbayog City
Business

DA, mamamahagi ng isang bilyong pisong halaga ng mga inahing baboy para palakasin ang imbentaryo

NAKATAKDANG mamahagi ang Department of Agriculture (DA) ng isang bilyong pisong halaga ng swine o buhay na baboy sa malalaking farms sa bansa.

Target ng kagawaran na maibalik ang hog population sa Pre-African Swine Fever Level na 14 Million sa loob ng tatlong taon.

Sinabi ng DA na 30,000 Gilts o mga inahin, ang ipagkakaloob sa large-scale farms, na ibabalik ang bayad sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagsu-supply ng reared pigs para sa redistribution sa backyard farmers.

Hinimok ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang swine industry na suportahan ang tatlong taong inisyatibo, para tumaas ang kasalukuyang imbentaryo na nasa 8 Million, na mas mataas ng 75% pagsapit ng 2028.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).