LIMANG truck na may kargang illegally obtained na buhangin ang naharang ng mga tauhan ng 1st Samar Provincial Mobile Force Company (1st SPMFC) sa Barangay Anislag, Calbayog City, Samar kahapon bandang alas-onse ng umaga (11:00 AM), Nov. 11, 2025.
Ayon kay PMaj. Norman Kiat-Ong Jr., Force Commander ng 1st SPMFC, ang mga naturang truck ay nagmula umano sa Brgy. Mawacat, Brgy. Cagbilwang at Brgy. Anislag na may dalang buhangin mula sa Hibatang River at walang maipakitang kaukulang permit o dokumento na magpapatunay ng legalidad ng kanilang operasyon.
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Mahigit 600 silid-aralan, sinira ng Bagyong Uwan sa Eastern Visayas – DepEd
DSWD, tiniyak sa mga biktima ng Bagyong Uwan sa Eastern Visayas na mayroon pang supply ng food boxes
Dagdag pa ni PMaj. Kiat-Ong Jr., agad na isinailalim sa kustodiya ng CENRO ang mga sasakyan at ang mga driver nito para sa kaukulang imbestigasyon.
Patuloy namang pinaaalalahanan ng kapulisan ang publiko na sumunod sa batas at iwasan ang ilegal na pagkuha ng mga likas na yaman, upang mapangalagaan ang kalikasan at maiwasan ang posibleng sakuna.
with reports from Marilyn Tolipas
