NAKATAKDANG mamahagi ang Department of Agriculture (DA) ng isang bilyong pisong halaga ng swine o buhay na baboy sa malalaking farms sa bansa.
Target ng kagawaran na maibalik ang hog population sa Pre-African Swine Fever Level na 14 Million sa loob ng tatlong taon.
ALSO READ:
Hog raisers, hinimok ang pamahalaan na itaas ang taripa sa baboy
Paglalagay ng mas matibay na kisame sa airport sa Bicol, dapat matapos hanggang Marso – DOTr
Ekonomiya ng Pilipinas, muling kinapos sa target; bumagal sa 4.4% noong 2025
Agriculture output ng bansa, tumaas ng 0.5% noong huling quarter ng 2025
Sinabi ng DA na 30,000 Gilts o mga inahin, ang ipagkakaloob sa large-scale farms, na ibabalik ang bayad sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagsu-supply ng reared pigs para sa redistribution sa backyard farmers.
Hinimok ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang swine industry na suportahan ang tatlong taong inisyatibo, para tumaas ang kasalukuyang imbentaryo na nasa 8 Million, na mas mataas ng 75% pagsapit ng 2028.
