ISA mula sa sampung batang anim hanggang labing dalawang taong gulang ang mayroong anemia, ayon sa Department of Science and Technology (DOST).
Inihayag ng DOST-Food and Nutrition Research Institute (FNRI), na ang national estimate sa anemia sa school-aged children ay 12.11 percent, batay sa kanilang 2018-2019 expanded National Nutrition Survey.
Mahigit 9,000 na pulis, ipakakalat ng PNP sa Trillion Peso March sa Nov. 30
Net Worth ni COA Commissioner Lipana, lumobo ng 120% simula 2022 hanggang 2024, ayon sa kanyang SALN
Rekomendasyon na panagutin si Dating Speaker Martin Romualdez sa flood control scandal, ibinase sa ebidensya – DPWH chief
VP Sara, handang maging pangulo sakaling mag-resign si PBBM
Sinabi ng DOST-FNRI na Pre-Pandemic pa ang huling datos, kaya sa kasalukuyan ay nagsasagawa sila ng national nutrition survey na sinimulan nila noong nakaraang taon, upang magkaroon ng updated data sa anemia.
Binigyang diin ng ahensya na ang anemia na isang blood disorder dahil sa pagkakaroon ng mababang red blood cell count ay itinuturing na Public Health Problem of Mild Significance.
Ang mga anemic ay maaring makaranas ng kakapusan sa paghinga, pagkahilo, pananakit ng dibdib, at fatigue o pagkapagod.
