23 August 2025
Calbayog City
National

Dating DPWH Secretary Rogelio Singson, kinumpirmang nakatanggap ng Feelers mula sa Palasyo para maging susunod na kalihim ng ahensya

KINUMPIRMA ni Dating Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson na nakatanggap siya ng informal offers mula sa Malakanyang para magsilbing susunod na kalihim ng DPWH, sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap ng ahensya bunsod ng Flood Control Projects.

Sinabi ni Singson nagkaroon sila ng pulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para talakayin ang Integrated Water Resources Management Program ng administrasyon.

Aniya, matagal na silang magkakilala ni Pangulong Marcos, mula noong gobernador pa lamang ito hanggang maging senador.

Gayunman, nilinaw ng dating DPWH chief na posibleng hindi magugustuhan ng kanyang misis kapag bumalik siya sa gobyerno.

Bagaman tinanggihan ni Singson ang alok na palitan si DPWH Secretary Manuel Bonoan, sinabi ng dating kalihim na handa siyang pamunuan ang Independent Panel na mag-iimbestiga sa mga anomalyang nakapaligid sa Flood Control Projects.

Si Singson ay nagsilbing DPWH Secretary simula 2010 hanggang 1026 sa ilalim ng Administrasyon ni yumaong Pangulong Noynoy Aquino.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.