PINAYAGAN ng Kamara ang pagbuo ng Special Committee on ASEAN Affairs, kung saan ang maybahay ni Speaker Martin Romualdez na si Tingog Party-list Rep. Yedda Romualdez ang iniluklok bilang Chairperson ng lupon na may tatlumpu’t limang miyembro.
Si House Minority Leader Sandro Marcos ang nag-motion sa Plenary Session, na inaprubahan ng walang Objections.
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Ang Special Committee ay mayroong hurisdiksyon sa mga usapin na may direkta at pangunahing kinalaman sa partisipasyon, commitments, at engagements ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations at Affiliated Bodies nito, kabilang na ang ASEAN Inter-Parliamentary Assembly.
Magsisilbi ang lupon bilang Principal Parliamentary Body para isulong ang Regional Cooperation, Alignment ng Domestic Legislation sa ASEAN Agreements, at pagpapatibay ng papel ng Pilipinas sa ASEAN Affairs sa pamamagitan ng Legislation, Oversight and Policy Dialogue.
