Ayon sa Digital 2026 Report, nanatiling pinakasikat na social medial platform ang Facebook at YouTube sa Pilipinas.
Kung saan ang mga Pinoy ang umuusbong bilang pinakamadalas na gumagamit ng mga site na ito sa buong mundo, ipinakita sa isang ulat na inilabas nitong October 15, 2025.
Sa inilabas na report ng Meltwater and creative agency na We Are Social ay 83.3% ng populasyon ng Pilipinas ay gumagamit ng internet. Bagamat mas mababa ang naturang pigura sa nakamit na ng ilang bansa, ipinakita ng ulat na ang paggamit ng internet sa Pilipinas ay higit sa global average na 73.2%.
Batay sa ulat, ang karaniwang Pinoy ay gumugugol ng 13 oras at dalawang minuto bawat linggo sa pagba-browse sa social media (hindi kasama ang mga video), pangalawa sa Kenya na nag-ulat ng average na 14 na oras at 18 segundo.
Ang mga Pinoy ay nanguna din sa paggamit ng YouTube na may 85% ng mga gumagamit ng internet na nagsasabing na-access nila ang platform kahit isang beses sa nakalipas na buwan. Ang pandaigdigang average ay 55.4%.
Ang Facebook ay nananatiling pinakasikat na platform sa bansa, na may 94.9% ng mga Pinoy online na gumagamit na nagsasabing ginamit nila ang platform kahit isang beses sa nakalipas na buwan. Ang pandaigdigang average para sa paggamit ng Facebook ay 56.9%.
Ang data ay batay sa malawak na survey ng mga gumagamit ng internet na may edad 16 pataas na isinagawa ng GWI na nakabase sa London sa ikalawang quarter ng 2025.




