NAGPAMALAS ng matatag na impresyon ang Creamline at Cignal sa PVL on Tour, na kapwa nananatiling unbeaten sa dalawang laro matapos padapain ang sari-sariling katunggali sa Chavit Coliseum sa Ilocos Sur.
Nakarekober ang Cool Smashers mula sa Set 2 Loss patungo sa 27-25, 22-25, 25-19, 25-18 Win kontra Akari, sa pangunguna ng kanilang team captain na si Alyssa Valdez.
ALSO READ:
Leylah Fernandez, pinadapa ang katunggaling Romanian sa Monterrey Open
Pinay Tennis Sensation Alex Eala, naghahanda na para sa mga susunod na lalahukang High-Profile Tournaments
Creamline, nasungkit ang Bronze Medal sa PVL on Tour matapos ma-sweep ang Cignal
Pagbebenta sa Boston Celtics sa halagang 6.1 billion dollars, inaprubahan ng NBA
Samantala, na-sweep naman ng Cignal ang Capital-1, sa score na 25-21, 25-22, 25-16, sa pangunguna ni Erika Santos.
Dahil naman sa kanilang pagkatalo, parehong bumagsak ang record ng Capital-1 at Akari sa 0-2.