20 August 2025
Calbayog City
National

Comprehensive Economic Partnership Agreement, lalagdaan na ng Pilipinas at UAE

GINUNITA ng pamahalaan ng United Arab Emirates ang ika-51 Anibersaryo ng Diplomatic Relations ng Pilipinas at UAE. 

Sa pahayag ng embahada ng UAE sa Manila, sa nakalipas na tatlong (3) taon, umabot sa dalawampu’t dalawang (22) kasunduan ang nalagdaan ng dalawang bansa na nakasentro sa usapin ng Kultura, Energy Transition, Legal Cooperation, Government Modernization at Security. 

Inaasahan din ayon sa UAE Government na sa mga susunod na linggo ay lalagdaan na ng Comprehensive Economic Partnership Agreement o CEPA na makapagpapatibay pa sa Trade and Investment ng dalawang bansa.

Kabilang din sa mga inisyatiba at suporta ng UAE sa Pilipinas ang 20 million US dollars na halaga ng Commitment para sa rehabilitasyon ng Pasig River at ang 15 billion US dollars na kasunduan sa Masdar para makabuo ng Renewable Energy Projects. 

Samantala, tiniyak din ng pamahalaan ng UAE na patuloy na pangangalagaan ang kapakanan ng mahigit isang milyong Pinoy sa kanilang bansa. 

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).