Magbibigay ang Department of Science and Technology (DOST) regional office ng mobile command at control vehicle na may triage technology sa lokal na pamahalaan ng Pintuyan, Southern Leyte, upang palakasin ang kanilang monitoring at response tuwing may mga kalamidad.
Sinabi ni DOST-Eastern Visayas Regional Director John Glenn Ocana, na lumagda sila ng kasunduan, kasama si Pintuyan Mayor Recarte Estrella para palakasin ang local disaster management sa pamamagitan ng 18 million pesos na mobile technology.
Mahigit 20 dating miyembro ng NPA, nakumpleto ang Skills Training sa Northern Samar
Publiko, binalaan laban sa pekeng Tower at Satellite CONNECTION Deals
Tri-City Specialty Justice Zone, ilulunsad ng JSCC sa Eastern Visayas para labanan ang Online Sexual Abuse and Exploitation sa mga bata
Cebu-Calbayog Flights, binuksan ng PAL
Aniya, taglay ang advanced features, ang technology ay kinabibilangan ng weather monitoring station, reque quadcopter drone, global satellite communication, surveillance equipment, at medical supplies.
Mayroon din itong portable boat para sa rescue operations at conference room na magsisilbing mobile command center.
